Like most people who spent a good portion of their college years blogging on Multiply, I tried to salvage some of my blog posts last night. I'm going to publish a select few here on my Blogger account. I refuse to publish the others because most of them are about my love life, or lack thereof. Haha.
Anyway, this first imported post is about the first time I tried to drive a car. I took driving lessons three years ago, and this is an account of how the first session went. Unfortunately, I wasn't able to practice, and I think I've forgotten how to drive. Maybe, someday I'll try again.
**********
i suck at anything physical.
i haven't failed any of my PE classes, but since i have one PE left, malay natin diba? :)
wala akong sport sa katawan. kahit na anong sport.
well, i think chess is a sport, but it's not physical, so it doesn't count. :)
ayoko sa physical activities kasi may pagka-lampa ako. at dahil takot akong masaktan.
takot akong magkasugat, magkagalos, magkagasgas at kung anu-ano pa.
pero ayoko ring maging forever incapable dahil lang takot ako.
sabi nga sa A Cinderella Story, "Never let the fear of striking out keep you from playing the game."
Kaya, last week, nag-enroll ako sa driving school.
yep, driving school.
gusto kasi ng parents ko na matuto kaming mag-drive. kaya kahit medyo takot ako, sige lang. go lang.
alam kong hindi biro ang pinasok ko kasi hindi lang sarili ko ang pwedeng masaktan dito. pati ibang tao, ibang kotseng kasalubong, ibang aso o pusang tumatawid sa daan.
somebody might actually get hurt because i might end up hitting somebody.
pero dahil bawal ang refund at nagbayad na si mama, wala nang atrasan. kelangan kong pumasok. eto ang kwento ng first time kong paghawak sa manibela.
(oo, sa hinaba-haba ng binasa mo, intro pa lang yun.haha.)
*******************************
8:00 am
ang sabi saken ni migo, sa unang araw daw, mag-aasikaso lang kami ng student's permit sa LTO. sinamahan nya ko sa driving school kasi aasikasuhin rin nya ang license nya na super lapit nang mag-expire. pagdating namin dun, may instructor na na naghihintay. pero since ung secretary pa lang sa office ang kilala ko, sa kanya ako lumapit.
"Good morning po."
"Ms. Fatima, good morning po. (Yep, Fatima ako sa driving school :/). Hindi po kayo makakapag-asikaso ng permit ngayon kasi po wala pa po yung nag-ayos ng tin number nyo. Lesson na lang po kayo ngayon."
Napalingon ako kay migo. Panic mode. Sobrang nag-expect ako na lisensya ang aayusin ko. hindi ako prepared sa first day. wala akong baong lakas ng loob. shet.
di bale, sabi naman ni migo, hindi daw kagad magda-drive sa first day. lecture lecture lang.
Umalis na si migo kasi hindi naman pala nya maaasikaso ang lisensya nya. sasamahan na lang daw nya ako pag pwede na. umalis na sya sa office. Lumapit saken ang instructor.
"Kayo po pala si Fatima. Ako po magtuturo ngayon. Tara na po."
at dahil alam ko namang kelangan ng sasakyan sa pag-aaral (duh!), hindi ako nagulat nang lumabas kami sa office at lumapit sa kotse. nag-drive sya hanggang makarating kami sa malapit na subdivision. pagdating sa subdivision, nag-park sya at nagsimulang maglecture.
wala akong alam sa pagda-drive. twenty years ko nang pinapanood ang papa ko na magdrive pero wala akong idea kung pano. ang manibela lang ata na nahawakan ko bukod sa manibela ng kotse namin ay manibela nung mga games sa TIMEZONE.
may alam ako sa konting parts ng kotse kaya hindi ako sobrang nahirapan sumabay sa lecture nya. twenty minutes into the lecture, bumanat ang instructor ng,
"o sige, palit na tayo. dito ka sa pwesto ko."
Huwaaaat????!!!!
kumakabog ang dibdib ko habang nagpapalit kami ng pwesto.
"ayan, since alam mo na naman ang basics, start na tayo."
oh my God. oh my God. oh my God.
this is it.
hindi ko alam kung ilang beses akong umikot sa ilang bloke ng subdivision. honestly, hindi ko na maalala. dahil wala akong ibang iniisip nung mga panahon na yung kundi ang huwag mabangga at huwag makabangga.
"Ineng, Clutch. Brake. Hinga."
Hinga? ano yun? clutch, brake, at gas lang naman diba?
"Neng, huminga ka. pwede ka namang huminga. mag-iiba ang ang kulay mo o."
nakakahiya. feeling ko super tensed ang itsura ko. at kung pwedeng sumabog ang manibela sa higpit ng hawak ko, wala na silang manibela ngayon.
"Pwede mo nang bitawan yung kambyo. dalawang kamay sa manibela."
ang daming kelangan tandaan. information overload. malapit na kong magsystem shutdown. hindi ko na maalala kung alin ang right, alin ang left.
Pagliko namin sa kanto, may tricycle pa na biglang sumulpot.
"Oh my God!!!"
"Neng, relax lang. Huwag ka nang mag-Oh my God."
Andami pa nyang comments sa loob ng two hours na nag-aaral ako. Kulang na kulang ang baon kong lakas ng loob at presence of mind. hindi ko alam kung ilang beses sumubsob sa dashboard ang intructor ko, o kung ilang beses syang napakapit sa upuan dahil napasobra ang tapak ko sa gas o napadiin ang pagtapak ko sa brake.
oo, ako ang epitomiya ng first-time driver.
but i'm happy to report na walang nasaktan nung araw na yun. walang asong nasagasaan (although muntik na. haha.) walang ibang kotseng nasagasaan. at buhay na buhay ang intructor ko.
kung bibigyan ko ng grade ang sarili ko para sa first day ko, isang malaking C- :/
meron pa akong natitirang anim na araw bago ko matapos ang program. marami pa akong kelangang tapang at presence of mind. donation naman dyan.
anim na araw ko pang ipagdadasal na wala kong masaktan - sarili ko man o bang tao.
Wish me luck :)