Saturday, December 1, 2012

Import 1: Pwede Naman Kasing Huminga :)

Like most people who spent a good portion of their college years blogging on Multiply, I tried to salvage some of my blog posts last night. I'm going to publish a select few here on my Blogger account. I refuse to publish the others because most of them are about my love life, or lack thereof. Haha.

Anyway, this first imported post is about the first time I tried to drive a car. I took driving lessons three years ago, and this is an account of how the first session went. Unfortunately, I wasn't able to practice, and I think I've forgotten how to drive. Maybe, someday I'll try again.


**********


i suck at anything physical.

i haven't failed any of my PE classes, but since i have one PE left, malay natin diba? :)
wala akong sport sa katawan. kahit na anong sport.
well, i think chess is a sport, but it's not physical, so it doesn't count. :)

ayoko sa physical activities kasi may pagka-lampa ako. at dahil takot akong masaktan.
takot akong magkasugat, magkagalos, magkagasgas at kung anu-ano pa.

pero ayoko ring maging forever incapable dahil lang takot ako.
sabi nga sa A Cinderella Story, "Never let the fear of striking out keep you from playing the game."
Kaya, last week, nag-enroll ako sa driving school.

yep, driving school. 

gusto kasi ng parents ko na matuto kaming mag-drive. kaya kahit medyo takot ako, sige lang. go lang.
alam kong hindi biro ang pinasok ko kasi hindi lang sarili ko ang pwedeng masaktan dito. pati ibang tao, ibang kotseng kasalubong, ibang aso o pusang tumatawid sa daan.

somebody might actually get hurt because i might end up hitting somebody.

pero dahil bawal ang refund at nagbayad na si mama, wala nang atrasan. kelangan kong pumasok. eto ang kwento ng first time kong paghawak sa manibela.
(oo, sa hinaba-haba ng binasa mo, intro pa lang yun.haha.) 

*******************************
8:00 am
ang sabi saken ni migo, sa unang araw daw, mag-aasikaso lang kami ng student's permit sa LTO. sinamahan nya ko sa driving school kasi aasikasuhin rin nya ang license nya na super lapit nang mag-expire. pagdating namin dun, may instructor na na naghihintay. pero since ung secretary pa lang sa office ang kilala ko, sa kanya ako lumapit.
"Good morning po."
"Ms. Fatima, good morning po. (Yep, Fatima ako sa driving school :/). Hindi po kayo makakapag-asikaso ng permit ngayon kasi po wala pa po yung nag-ayos ng tin number nyo. Lesson na lang po kayo ngayon."
Napalingon ako kay migo. Panic mode. Sobrang nag-expect ako na lisensya ang aayusin ko. hindi ako prepared sa first day. wala akong baong lakas ng loob. shet.
di bale, sabi naman ni migo, hindi daw kagad magda-drive sa first day. lecture lecture lang.
Umalis na si migo kasi hindi naman pala nya maaasikaso ang lisensya nya. sasamahan na lang daw nya ako pag pwede na. umalis na sya sa office. Lumapit saken ang instructor.
"Kayo po pala si Fatima. Ako po magtuturo ngayon. Tara na po."
at dahil alam ko namang kelangan ng sasakyan sa pag-aaral (duh!), hindi ako nagulat nang lumabas kami sa office at lumapit sa kotse. nag-drive sya hanggang makarating kami sa malapit na subdivision. pagdating sa subdivision, nag-park sya at nagsimulang maglecture.
wala akong alam sa pagda-drive. twenty years ko nang pinapanood ang papa ko na magdrive pero wala akong idea kung pano. ang manibela lang ata na nahawakan ko bukod sa manibela ng kotse namin ay manibela nung mga games sa TIMEZONE.
may alam ako sa konting parts ng kotse kaya hindi ako sobrang nahirapan sumabay sa lecture nya. twenty minutes into the lecture, bumanat ang instructor ng,
"o sige, palit na tayo. dito ka sa pwesto ko."
Huwaaaat????!!!!
kumakabog ang dibdib ko habang nagpapalit kami ng pwesto.
"ayan, since alam mo na naman ang basics, start na tayo."

oh my God. oh my God. oh my God.
this is it.

hindi ko alam kung ilang beses akong umikot sa ilang bloke ng subdivision. honestly, hindi ko na maalala. dahil wala akong ibang iniisip nung mga panahon na yung kundi ang huwag mabangga at huwag makabangga.
"Ineng, Clutch. Brake. Hinga."
Hinga? ano yun? clutch, brake, at gas lang naman diba?
"Neng, huminga ka. pwede ka namang huminga. mag-iiba ang ang kulay mo o."
nakakahiya. feeling ko super tensed ang itsura ko. at kung pwedeng sumabog ang manibela sa higpit ng hawak ko, wala na silang manibela ngayon.
"Pwede mo nang bitawan yung kambyo. dalawang kamay sa manibela."
ang daming kelangan tandaan. information overload. malapit na kong magsystem shutdown. hindi ko na maalala kung alin ang right, alin ang left.
Pagliko namin sa kanto, may tricycle pa na biglang sumulpot.
"Oh my God!!!"
"Neng, relax lang. Huwag ka nang mag-Oh my God."

Andami pa nyang comments sa loob ng two hours na nag-aaral ako. Kulang na kulang ang baon kong lakas ng loob at presence of mind. hindi ko alam kung ilang beses sumubsob sa dashboard ang intructor ko, o kung ilang beses syang napakapit sa upuan dahil napasobra ang tapak ko sa gas o napadiin ang pagtapak ko sa brake.

oo, ako ang epitomiya ng first-time driver.

but i'm happy to report na walang nasaktan nung araw na yun. walang asong nasagasaan (although muntik na. haha.) walang ibang kotseng nasagasaan. at buhay na buhay ang intructor ko.
kung bibigyan ko ng grade ang sarili ko para sa first day ko, isang malaking C- :/
meron pa akong natitirang anim na araw bago ko matapos ang program. marami pa akong kelangang tapang at presence of mind. donation naman dyan.
anim na araw ko pang ipagdadasal na wala kong masaktan - sarili ko man o bang tao.


Wish me luck :)


33 comments:

  1. good luck sa mga susunod na araw!! :)

    ReplyDelete
  2. pwede magmura?! binuhay ako ng blog mo tims!!! hahaha send ko sayo yung blog entries ko nung nag-aaral pa lang ako mag-drive. not that inspiring sya, pero ganyan din. hindi lang kasing-vivid ng kwento mo. potek na yan. ang saya! labyu!

    ReplyDelete
  3. Haha Gege, nakakatawa to. Good luck! Ronald is with you!

    ReplyDelete
  4. good luck, mare. hehe. nakakaaliw yung blog entry mo.. :) miss you!

    ReplyDelete
  5. hooray para sa pag-conquer na iyong fears.. haha...

    ReplyDelete
  6. yehey! may nakaka-relate. haha :))
    sobrang nakakahiya talaga itsura ko nung first day.
    naimagine tuloy kita nung ikaw :))

    ReplyDelete
  7. haha. thank you ate.
    hindi ko alam, may pasahero na pala ako :)

    ReplyDelete
  8. thank you, mare.
    miss na din kita.
    see you soon :)

    ReplyDelete
  9. haha. sana nga ma-conquer ko, darcee :)

    ReplyDelete
  10. eto na mga komento ko! ehem ehem ehem!

    "Lesson na lang po kayo ngayon" - biglang nagflash ka harapan ko ang mukha mo nung nabasa ko to! alam na alam ko itsura mo nito! hahahahaha

    "wala akong alam sa pagda-drive. twenty years ko nang pinapanood ang papa ko na magdrive pero wala akong idea kung pano. ang manibela lang ata na nahawakan ko bukod sa manibela ng kotse namin ay manibela nung mga games sa TIMEZONE."
    -wala akong masabi kundi HAHAHAHAHAHAHAHA! :)))

    "Hinga? ano yun? clutch, brake, at gas lang naman diba?" - i ilke this! tama bang kalimutan kung pano huminga! leche ka kapatid! hahahahaha

    putik ka!!! kakabagan ako sa katatawa! wait mo ko i'll be home soon! haha make more kwento kapatid!!!

    ReplyDelete
  11. wooooo!! may katangahan ka din naman pla ate.. sa wakas nalamangan na kita sa isang bagay.,. belat may NON PROFESSIONAL LICENSE NA AKO.. IKAW, WALA! hahaha!!

    ReplyDelete
  12. umuwi ka dito.
    kwentuhan kita.
    isa na naman akong comedy :))

    ReplyDelete
  13. duh!
    simula pa lang kaya ako.
    yabang ha. bakit, sinong nag-exam ha? :))

    ReplyDelete
  14. true, ronald is with you. kasama pa ang kanyang kumpareng si jabi. *toinks*

    pichur naman dyan with your instructor. ayiiii. baka magkalablayp ka bigla ah. pagkatapak sa preno, biglang mapayakap kay kuya instructor. hahaha

    ReplyDelete
  15. onga eh. nafi-feel ko na ngayon yung nafi-feel mo pag may kasalubong na kotse.
    umiirit na rin ako kagaya mo :))

    ReplyDelete
  16. close pala si ronald at si jabee. kelan pa? :)

    ay sus.
    ayoko sa instructor ko.
    sungit, grabe.
    haha :))

    ReplyDelete
  17. instructor din kasi ni jabee si ronald nung bata-bata pa sila. ayown. yak, ang corny ko lang. haha

    ReplyDelete
  18. yehey!! pag natuto ka, ipagdrive mo kami ate ge!! hahahah!

    ReplyDelete
  19. HAHAHAHA TAWA AKO NG TAWA:))
    goodluck! kaya yan!

    ReplyDelete
  20. grabe mina, pinaglalaruan na natin ang buhay ng fast food mascots :))

    ReplyDelete
  21. ay sus!
    kung mahal mo sarili mo, hindi ka magpapa-drive sa'ken.
    at dahil alam kong mahal mo ang sarili mo...
    haha :))

    ReplyDelete
  22. naimagine mo itsura ko? :))
    thank you, dearie.
    miss you.

    kumusta social life natin jan? :)

    ReplyDelete
  23. oo. gulat na gulat plus takot:))
    i miss you, too!

    okay lang. same old, same old. yun parin mga kakilala ko.
    siguro 2 new friends lang.mwahahaha..
    lapit na pasukan! :-O

    PS: ayaw ko sumakay pag ikaw ang driver kahit may lisensya ka na.
    na-warn na ako ng blog na to:))

    ReplyDelete
  24. yep, lapit na pasukan!
    and kasama na natin si ynah sa gimiks.
    (un talaga ang concern ko no? haha.)

    pasalamat ka sa blog ko.
    warning cum life-saver :))

    ReplyDelete
  25. naloka ko sa first day driving lesson mo mare! hahahaha :))
    ini-imagine ko itsura mo habang nagdadrive! well, kaya mo yan marz!

    medyo late ang reaction. now lang ako nakapagmultiply hehehe :D
    see you soon mare! missyou! mwah! :*

    ReplyDelete
  26. thanks, mare :)

    yep, see you real soon.
    kinakabahan ako sa results ng CRS.
    masyadong pa-excite. haha :))

    ReplyDelete
  27. haha.. naaliw nmn ako d2! don't wori di k nagiisa, gnyan din ako nung first time.. pero konting oh my god lng nasabi ko,haha!! :D

    gudluck... :D

    ReplyDelete